DOH ‘di pa tiyak sa ‘endemicity’ ng COVID sa Pinas

DOH ‘di pa tiyak sa ‘endemicity’ ng COVID sa Pinas

November 16, 2022 @ 4:24 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi pa tiyak na papunta na sa ‘endemic’ state ang Pilipinas dahil sa mababang ‘booster uptake’ ng mga Pilipino, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health OIC Maria Rosario Vergeire, maari aniya kasing maging dahilan ito ng posibleng pagtaas ng mga kaso sa hinaharap.

“Yes, endemicity will come soon (but) it’s quite uncertain because of this immunity that we are talking about. We are not certain and we cannot be confident to say,” sabi ni Vergeire.

Aniya, mababa ang immunity dahil sa mababang booster uptake na isa sa mabisang panlaban sa malubhang pagkakasakit dulot ng virus.

Bagama’t sumasang-ayon ang DOH kay infectious disease expert Dr. Edsel Salvana na patungo na ang bansa sa endemic stage, kailangang sabayan rin umano ito ng mataas na coverage ng bakuna.

Sinabi ni Salvana na kaya naman ng pamahalaan ng bansa ang pagtaas ng kaso ng COVID basta mananatiling bukas ang healthcare system na ngayon ay handa na sa paghawak sa mga kaso ng impeksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden