DOH ‘di sang-ayon sa pagpasok ng mga bata sa malls



DOH ‘di sang-ayon sa pagpasok ng mga bata sa malls

December 2, 2020 @ 3:55 PM 7 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines –  Nanindigan ang Department of Health (DOH) na hindi pa rin dapat payagan ang nasa 14-anyos pababa maging ang 66-anyos pataas upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 infection, batay kay Health Secretary Francisco Duque III.

Ito ang naging tugon ni Duque sa rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na payagan ang 7 hanggang 14-anyos na magtungo sa mall basta kasama ang magulang.

 “Ang posisyon namin, hindi po nagbabago. We discourage that kasi meron pa ring risk,” saad ni Duque.

“Sa siyam na buwan na karanasan natin sa COVID-19, three to five percent po ng total infected cases natin ay sa mga bata nangyari. Hindi po sila exempted sa hawaan.”

“Hindi po ipinagbabawal ng DOH ang holiday celebration. Gusto lang po natin ito limitahan sa immediate family members. Hindi na po muna [kasali ang] mga kamag-anak na galing sa ibang lugar,” lahad pa nito.

“Kasi sa siyam na buwan na may pandemya, ang nakakahawa po ay iyong mga walang sintomas o kung meron man, mild lang.” RNT/FGDC/Jocelyn Domenden


  •  
  •  
  •