DOH, DTI nagbabala vs online sellers ng medical products

DOH, DTI nagbabala vs online sellers ng medical products

June 1, 2021 @ 2:23 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) laban sa mga online seller na nagbebenta ng mga gamot, food supplement at gamit medikal.

Ang babala ng nabanggit na mga ahensya ay sa gitna ng  naglipanang produktong medikal na ibinebenta sa social media at mga shopping applications.

Ayon kay Trade Usec Ruth Castelo  kailangan may physical o aktuwal na tindahan ang online seller at lisensiyado ang mga nagtitinda.

Partikular na tinukoy ni Usec Castelo ang Marketplace ng Facebook na ginagamit ng mga fly by night o mga hindi otorisadong magbenta ng mga gamot na hindi alam kung legit o peke.

Sinabi naman ni  Dr Melissa Guerrero ng DOH na dapat may aktuwal na tindahan at lisensyado ng FDA ang mga nagtitinda online  para masiguro na lehitimo ang mga ibinebentang produkto.

Dapat din umanong matiyak na may lisensyadong pharmacist na nangangasiwa o sumusuri sa anumang ibinebentang mga gamot, food supplement at ang tindahan nila ay maaaring mainspeksyon ng mga otoridad. Jocelyn Tabangcura–Domenden