DOH dumepensa sa mataas na fatality rate noong Nov. global COVID recovery report

DOH dumepensa sa mataas na fatality rate noong Nov. global COVID recovery report

December 8, 2021 @ 6:17 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Sinisi sa technical problems ang pagtaas ng coronavirus deaths ngayong Nobyermbre, base na rin sa Nikkei COVID-19 Recovery Index.

Paliwanag ng Department of Health, mas mababa ang case fatality rate (CFR) sa 9%.

Nasa 2,096 naman ang nasawi mula Nobyembre 18 hanggang 27 kung saan 16% lamang dito ang nangyari ngayong buwan.

Sinabing kailangan din muna beripikahin ang COVID-19 deaths sa local health officers bago ipadala sa COVIDKaya data storage system.

“The high reported deaths in this latter part of November 2021 was due to delayed encoding, validation, and reporting of death information to COVIDKaya.” RNT/FGDC