DOH: eArrival card gagamitin na ng inbound travelers simula Nobyembre 1

DOH: eArrival card gagamitin na ng inbound travelers simula Nobyembre 1

October 22, 2022 @ 9:57 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Health sa isang advisory na inilabas nitong Biyernes, Oktubre 21 na obligado nang gamitin ng lahat ng inbound travelers simula Nobyembre 1 ang bagong eArrival Card.

Ito ay kapalit ng ginagamit na One Health Pass (OHP) na matatandaang umani ng sari-saring batikos na dahilan ng mahabang pila sa mga paliparan.

Sa mga biyahero papunta ng Pilipinas, dapat na magparehistro sa eArrival Card 72 oras bago ang inaasahang paglapag nito sa bansa sa pamamagitan ng onehealthpass.com.ph o sa pag-scan ng QR code sa website ng DOH.

“Prior to the adoption of the new eARRIVAL CARD, travelers were required to register for the OHP a few days before their travel and accomplish the electronic Health Declaration Checklist (eHDC) on the day of departure,” pahayag ng Department of Tourism sa kaparehong araw.

Ang DOT mismo ang nagbigay ng suhestyong ito sa DOH dahil sa dami ng reklamong natatanggap nila mula sa mga inbound travelers sa Pilipinas.

“Compared to the previous OHP system, the eARRIVAL CARD also removes unnecessary information fields,” dagdag ng DOT. RNT/JGC