DOH: F2F classes maraming benepisyo sa mga estudyante

DOH: F2F classes maraming benepisyo sa mga estudyante

May 28, 2022 @ 8:45 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- “Mas mainam sa kalusugan.”

Ganito inilalarawan ng Department of Health (DOH) ang face-to-face classes bilang paraan ng paghikayat sa mga estudyante na bumalik sa mga paaralan pagkatapos ang mahigit dalawang taon ng online learning.

Pinaalalahanan ng DOH ang mga magulang, guardians at estudyante na maraming benepisyo ang face-to-face (F2F) schooling.

“Face-to-face attendance in school will allow children to develop their cognitive and social skills experientially,” pahayag nito.

“F2F promotes physical and mental health and well-being.  This is based on the latest scientific evidence,” dagdag ng DOH.

Inihayag ng Health department na ang panganib ng pagkakasapul ng COVID-19 ay mababawasan kung nabakunahan at naturukan n ng booster ang mga guro, estudyante, at school personnel.

“Let’s give our children the education and learning development they need and deserve this coming school year by providing the best education and protection,” anito.

Iginiit din ng DOH na dapat magsuot ng face mask sa paaralan sa lahat ng oras; dapat ging maghuhas ng kamay ang mga estudyante at personnel; dapat sumunod sa social distancing; at dapat ding mapanatili ang airflow sa paligid.

Bilang bahagi ng COVID-19 guidelines ng pamahalaan, kinakailangang nasa mga lugar sa ilalim ng Alert Levels 1 at 2 ang mga paaralan para nakapagsagawa ng face-to-face classes. Magbibigay din ang DOH ng periodic risk assessment upang masiguro ang pagsunod sa health protocols. RNT/SA