DOH: Gamutan ng makararanas ng side effects ng COVID vaccine, dapat sagutin ng gov’t

DOH: Gamutan ng makararanas ng side effects ng COVID vaccine, dapat sagutin ng gov’t

January 13, 2021 @ 7:12 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Iginiit na dapat sagutin ng gobyerno ang gamutan ng mga Pilipinong makararanas ng side effect ng COVID vaccine, batay sa Department of Health (DOH).

“Ito po ay kasama sa programa natin and sa katunayan ngayon po meron tayong National Adverse Effect Following Immunization Committee na ito po ang magmomonitor para makita natin talaga kung ito bang mga adverse reactions ay dahil talaga sa bakuna o may iba pang factor kung bakit nagkaroon ng ganitong reaction,”  lahad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Mayroon na pong naihanda ang ating gobyerno itong tinatawag na mga benepisyo o kaya ay mga pagsagot sa paggamot ng ating mga kababayan na magkakaroon ng mga ganitong reaksyon sa bakuna,” dagdag pa nito.

Maaalalang target ng gobyerno na mapabakunahan ang 70 milyong Pilipino ngayong tao laban sa COVID-19. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...