DOH: Health workers list na walang allowance, benefits isinumite na sa DBM

DOH: Health workers list na walang allowance, benefits isinumite na sa DBM

September 16, 2022 @ 2:51 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na naisumite na sa Department of Budget and Management ang listahan ng mga health workers na hindi pa nakatanggap ng kanilang allowance at benepisyo mula nang sumiklab ang pandemya dulot ng coronavirus disease.

Kasunod ito nang sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman sa budget deliberation sa Senado na hindi pa nagbibigay and DOH ng listahan ng HCWs na wala pang nakukuhang COVID-19 allowance o benefits.

Sa press briefing, giit ni Health Officer-in-Charge o OIC Ma. Rosario Vergeire, na “with all due respect” sa DBM, nagsumite ang DOH ng listahan noong Sept. 6 at Sept. 13.

Ito aniya ay pagsunod sa hinihingi ng DBM para makumpleto ang paglalabas ng pondo para sa HCWs.

Sinabi ni Vergeire na higit 55,000 ang HCWs ang hindi pa nakakatanggap ng Special Risk Allowance o SRA at nangangailangan ng P1 billion.

Habang nasa higit 1.6 million na HCWs ang hindi pa nakakatanggap ng health emergency allowance, na kailangan ng P11.5 billion na budget, na ni-request na rin sa DBM. Jocelyn Tabangcura-Domenden