DOH: Higit 3.2M kumpletong bakunado na

DOH: Higit 3.2M kumpletong bakunado na

July 9, 2021 @ 2:49 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Kumpletong bakunado na ang nasa 4.5% o 3.2 milyon mula sa target nito na 70 milyong populasyon para sa COVID-19 immunization sa bansa, ayon sa anunsyo ng Department of Health (DOH), Biyernes.

Sa isang briefing, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na umabot na sa 12,703,081 doses ang naiturok sa Pilipinas hanggang Hulyo 8.

Pumapatak naman sa average na 200,000 bakuna ang naituturok kada araw.

Nasa 9,493,839 indibidwal naman ang naturukan ng isang beses, o 13.4% ng 70-million target.

Sa nasbaing bilang, 3,209,242 ang kumpletong bakunado na o naturukan na ng dalawang beses.

Sa target naman na prayoridad ng gobyerno na 1,626,495 health workers, 1,603,717 ang isang beses nang nabakunahan, habang 1,165,125 ang nakakumpleto na ng dalawang doses.

Sa target naman na 8,274,916 senior citizens, 2,632,861 pa lang ang nakatanggap ng unang dose, habang 861,560 ang kumpletong bakunado na.

Sa 7,085,183 targeted persons na may comorbidities, 3,184,933 ang naturukan ng isang beses, habang 1,039,710 ang kumpletong bakunado na.

Sa 35.5 million targeted essential workers, 1,614,481 ang natutukan ng isang beses, at 103,990 ang kumpletong bakunado na.

Sa  6,215,383 targeted indigent Filipinos, 295,888 ang isang beses pa lang, habang  24,492 ang kumpletong bakuna. RNT