DOH, hinikayat ang publiko sa plant-based meals at organic urban gardening

DOH, hinikayat ang publiko sa plant-based meals at organic urban gardening

August 5, 2019 @ 3:33 PM 2 years ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nais ng Department of Health (DOH) na magkaroon ng malusog na pangangatawan ang mga mamamayan, kaya’t isinusulong nila ngayon ang kahalagahan ng plant-based meals at organic urban gardening.

Hinikayat ng DOH-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), na pinamumunuan ni Regional Director Eduardo Janairo ang publiko na magkaroon at maging advocate ng healthy diet, sa katatapos na Regional Conference of Nutritionist-Dietitians, na may temang “Kumain Nang Wasto at Maging Aktibo… Push Natin ‘to!” sa Batangas. 

Ayon naman kay Regional Nutrition Outcome Manager Jellie Ann C. Palencia, ang plant-based diets ay unti-unti nang nagiging popular sa bansa dahil sa magandang dulot nito sa ating kalusugan.

“People who consume more vegetables have lower risk of developing coronary heart disease than those who takes diet rich in animal-based protein who later develop a buildup of plaque in their heart’s arteries,” aniya.

“And more so vegetarians have smaller waists, lower stress, healthy immune system, they have lower risk of heart disease and type 2 diabetes, lower body mass index, blood sugar and lower the risk of cancer and most important – they live longer,” aniya pa.

Pinaalalahanan rin niya ang mga nutritionists-dietitians sa kanilang papel sa pag-educate ng mga tao hinggil sa pinakamainam na healthy diet at pagsusulong ng mabuting nutrisyon, para sa mga malusog na buhay.

Sa panig naman ni Janairo, ang mga nutritionists-dietitians ay mayroon aniyang bagong gampanin sa Universal Health Care, dahil magiging bahagi na sila ng service delivery network.

“They will now be providing services across life stages from pre-pregnancy to pregnancy to newborn to infancy and childhood up to school age – adolescents and adults,” ani Janairo. “They will be responsible for providing population-based nutrition interventions gaya ng universal micro-nutrient supplementation, food fortification kasama na dito ang nutrition education. Sila rin mamamahala ng individual-based nutrition intervention sa mga pregnant women at magmamanage ng acute malnutrition.”

Nabatid na sa naturang kumperensiya, hinikayat rin ang may 130 kalahok nito na mag-praktis ng organic farming at urban gardening para sa diversity diet.

Binigyan sil angmga buto ng talong, okra, kamatis, sitaw, patola, ampalaya, upo, kalabasa, pechay, at mustasa, na maaari nilang itanim sa kanilang mga tahanan.

“Once these seeds are properly planted in a plant box, a pot or a can, it will provide households with quality, fresh produce vegetables. It is one way of improving household food security and alleviating micronutrient deficiencies,” ayon kay Palencia.

“A home garden is the easiest ways of ensuring access to a healthy diet that contains adequate macro- and micronutrients. Kailangan lang dito ay tamang pag-aalaga at tiyaga at pagkalipas ng ilang buwan may fresh veggies kana for consumption,” dagdag pa niya. Macs Borja


  •  
  •  
  •