DOH hinikayat na mag-order ng 2nd gen COVID-19 vax bago pa ilabas sa publiko

DOH hinikayat na mag-order ng 2nd gen COVID-19 vax bago pa ilabas sa publiko

August 30, 2022 @ 6:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kinakailangan nang simulan ng Department of Health (DOH) ang pag-order ng second-generation COVID-19 vaccines na poporotekta laban sa Omicron variant ng coronavirus, ayon kay dating Health Secretary at Iloilo lawmaker Janet Garin nitong Lunes.

Sinabi ni Garin na napatunayang ang second-generation COVID-19 vaccines o bivalent vaccines ay epektibo sa pagpigil sa COVID-19 reinfection sa vaccinated individuals base sa clinical trials.

Magiging available ang mga bakunang ito sa highly developed countries sa Oktubre.

“This second generation COVID-19 vaccine also prevents Omicron, and we need to make this available for our people. Based on clinical trials, there was a drastic reduction of breakthrough infection at 70% to 80%. This should reach the macro population by the end of the year,” pahayag ni Garin sa isang press conference.

“Kailangan habang hinihintay natin yan, nakikipagusap na tayo [sa pagbibilhan] kasi lahat ng bansa ay mangangailangan niyan. We should reserve, pre-order [these vaccines]. We should do that now. Walang bayad ang magpareserba. Kailangan mabilis ang galaw diyan because if Filipinos will not have access to that, we will have a hard time recovering economically,” dagdag niya.

Ayon pa kay Garin, ang pagbili ng second-generation COVID-19 vaccinesay kinakailangan dahil sa high incidence ng breakthrough COVID-19 infections sa fully vaccinated at boosted ng COVID-19 vaccines, kahit na karamihan sa mga kaso ay asymptomatic.

“The clinical trials on bivalent vaccines have been showing good progress. Since it will be available in highly developed countries by October, malayo na ang December na makarating ito sa Pilipinas,” aniya pa.

Sinabi rin ni Garin na dapat payagan ang mga pribadong kompanya na makabili ng bivalent COVID-19 vaccines kasabay ng pamahalaan upang mas mapabilis ang COVID-19 vaccination program.

“We can get it via COVAX [global aid facility] or local procurement. But personally, we should allow our MSMEs (micro, small and medium enterprises) to buy these at their expense for them to give out to their employees for free and make it tax deductible,” giit ni Garin.

“P20 billion will not be sufficient kasi marami tayo (because we have a large population). This vaccine is not only for newborns so we need to explore the option of allowing businesses to buy on their own and make it tax deductible,” patuloy niya.

Ayon pa sa kanya, kinakailangan ng insentibo sa COVID-19 vaccination program upang dumami ang takers.

“In our district, we scheduled booster vaccinations with the Department of Social Welfare and Development. When COVID-19 cases were down, we decided to provide a transportation allowance for those who will get vaccinated. Punong puno iyong lugar [ng magpapabakuna],” paglalahad ni Garin.

“There needs to be a constant face of the disease and we need to incentivize to entice them to get a vaccine,” patuloy niya. RNT/SA