DOH ibeberipika ang 3rd COVID-19 wave sa Central Visayas

DOH ibeberipika ang 3rd COVID-19 wave sa Central Visayas

July 12, 2021 @ 11:24 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Bineberipika pa ng Department of Health (DOH) ang ulat na pagkakaroon ng third wave ng coronavirus disease (COVID-19) sa Central Visayas.

Sa isang panayam kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng dzBB, sinabi nito na -7 porsyento ang two-week case growth rate ng rehiyon at may average daily attack rate na 4.5 kaso kada 100,000 populasyon.

“‘Pag tinignan po natin ‘yan, medyo mababa pa po ‘yan and we cannot consider that as high-risk as of now,” aniya.

Ayon pa sa opisyal na may sariling granular analysis sa COVID-19 data ang regional offices nito.

“Bunsod lang ito ng kanilang paga-analyze ng kanilang datos. Atin pong vine-verify ‘yan pagkaganyan at kung sakaling may kulang pa silang impormasyon na naibigay, isu-supplement po natin ‘yan,” punto ni Vergeire.

Siniguro rin ng opisyal na tatalakayin ito sa DOH- Central Visayas.

Sa huling datos, 80,551 na ang kaso ng sakit sa Central Visayas kung saan 75,169 na ang gumaling habang 2,238 ang nasawi. RNT/ELM