DOH: Info drive sa COVID vaccine benefits makapagpapa-boost ng vaccine confidence sa 85%

DOH: Info drive sa COVID vaccine benefits makapagpapa-boost ng vaccine confidence sa 85%

January 18, 2021 @ 7:36 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na ang pinaigting na pagpapakalat ng impormasyon sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 ay makapagpapa-boost ng confidence ng hanggang 85%.

 “During our recent town hall meetings, we do a survey at the start. It is 60% [at the start] and after, it goes up to 80 to 85%. Kaya makikita natin iyong kahalagahan ng relaying of information,” lahad ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire

“Tumataas [ang kumpiyansa] kapag na-explain natin sa ating mga health workers na itong mga bakunang paparating ay safe, magbibigay ng benepisyo sa ating populasyon.”

“Kaya meron tayong ganitong information dissemination…i-mobilize rin natin ang mga medical societies dahil alam namin na people have a high regard for physicians. Gagawin natin silang champions [for vaccination]. Malaki po ang maitutulong nila para sa pagpapalaganap ng impormasyon na ang COVID-19 vaccines na darating sa bansa ay safe at epektibo,” paliwanag pa nito.

Kasalukuyang tanging Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine lamang ang nabigyan ng emergency use authorization ng  Food and Drug Administration. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •