DOH: Kapalit ng mga napanis na COVID vax, darating sa Disyembre

DOH: Kapalit ng mga napanis na COVID vax, darating sa Disyembre

August 17, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Health nitong Martes na ang COVID-19 vaccines mula sa COVAX Facility na pamalit sa mga mapapasok na ay inaasahang darating sa bansa sa Disyembre.

Subalit, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na sapat pa ang suplay ng bakuna sa Pilipinas hanggang sa pagtatapos ng taon.

“We have existing supplies which are sufficient to last until the end of the year. So we are requesting from COVAX a certain amount which will start, the deliveries will start in December hanggang sa April, by tranches ‘yan, of next year,” ani Vergeire sa isang press briefing.

Inihayag ni Senator Risa Hontiveros ang pagkadismaya nitong Lunes sa 20.7 milyong doses ng COVID-19 vaccines, na nagkakahalaga ng P10 bilyon, na umano’y sinayang ng pamahalaan.

Nauna nang sinabi ng DOH na ang COVAX Facility, isang vaccine-sharing alliance na pinangungunahan din ng World Health Organization, ay papalitan ang expiring COVID-19 vaccines, ito man ay binili ng national government, ng private sector, o ng local government units.

“We are very much aware of the repercussions na baka ‘yung absorptive capacity natin, ‘yung ating reputasyon will be affected kung magkaka-expiring vaccines tayo ulit,” ayon kay Vergeire.

Hanggang nitong Agosto 15, sinabi ng DOH na mahigit 72.1 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19, habang mahigit 17 milyon na ang naturukan ng unang booster dose. RNT/SA