DOH kapos sa PinasLakas booster target; naturukan 7% pa lang

DOH kapos sa PinasLakas booster target; naturukan 7% pa lang

August 21, 2022 @ 1:27 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kapos na kapos ang Department of Health (DOH) sa target nitong makapagbakuna ng 23 milyong COVID-19 vaccine booster shots sa ilalim ng kampanyang “PinasLakas”.

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na sa kasalukuyan, nasa 1,729,547 katao pa lamang ang nabigyan ng booster shots sa ilalim ng nasabing vaccination drive, katumbas ito ng halos pitong porsyento ng kabuuang target sa Okubre 8.

“Sa kasamaang palad, malayo pa po ang ating mga accomplishments mula sa ating target,” pag-amin ni Vergeire.

“Base po sa pag-aaral maari pong tumaas ang mga admission natin sa ospital by September or October kung hindi po tataas ang ating uptake for first booster shots,” giit naman ni Vergeire na muling ipinabatid ang kahalagahan ng booster shot.

“Kami po ay nananawagan na sana po makumbinsi namin kayo na ang mga bakuna na aming binibigay ay ligtas, ligtas, nakakatulong na proteksyunan ang inyong sarili, pamilya, at kominidad,” aniya pa. RNT