DOH maglalabas ng alituntunin sa vaxx booster para sa edad 12-17

DOH maglalabas ng alituntunin sa vaxx booster para sa edad 12-17

June 18, 2022 @ 11:45 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang ilabas ng Department of Health (DOH) ang guidelines para sa pagbibigay ng COVID-19 booster shot para sa mga edad 12 hanggang 17, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje.

Ayon kay Cabotaje, ang Health Technology Assessment Council (HTAC) ay magsusumite ng rekomendasyon para sa booster shot sa nasabing age group.

“For the 12 to 17, mayroon ng recommendation ang HTAC for booster so nag submit na sila we are just looking at how to have the guidelines. Mabilis naman kami sa NVOC (National Vaccination Operations Center), we will release the guidelines for booster [for] 12 to 17 years old,” sabi ni Cabotaje sa DOH’s Back-to-Vax Champion COVID-19 vaccination event.

Aniya, hindi pa inirerekomenda ng HTAC ang second COVID-19 booster shot sa general adult population.

Samantala, sinabi ni Health Sec.Francisco Duque III na ito ay pinag-aaralan pa sa ngayon upang masiguro ang kaligtasan at kaangkupan ng booster dose sa iba pang populasyon.

Nauna nang binalaan ng DOH ang mga local government units na sila ay mananagot sa mga adverse event o komplikasyon mula sa general population second boosters.

Nagbigay ng babala si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos tumanggap umano ng pangalawang booster shot ang isang indibidwal nang hindi naabot ang pamantayan para sa nasabing booster..

Sa ilalim ng awtorisasyon sa paggamit ng emerhensiya, tanging ang mga immunocompromised na indibidwal, manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan, at mga senior citizen ang kwalipikado para sa pangalawang booster shot. Jocelyn Tabangcura-Domenden