DOH magpapadala ng mga doktor sa San Carlos City sa pagsirit ng kaso ng amoebiasis

DOH magpapadala ng mga doktor sa San Carlos City sa pagsirit ng kaso ng amoebiasis

February 28, 2023 @ 7:06 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Magpapadala ang Department of Health ng epidemiologists para beripikahin ang amoebiasis cases sa San Carlos City sa Negros Occidental.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, 189 kaso ng amoebiasis ang naiulat sa lungsod.

“We are now sending our team here from the Epidemiology Bureau to go to our Region 6 para matulungan ang aming  Regional Epidemiology and Surveillance Unit,” pahayag niya sa isang press briefing nitong Martes.

“They will go to San Carlos City tomorrow to verify this event.”

Batay sa inisyal na impormasyon, maaaring kontaminadong tubig ang pinagmulan ng impeksyon.

“Ang cause po nitong mga pagkalat o pagtaas ng mga pagtatae doon would still be the source of water,” sabi ni Vergeire.

Idineklara ni San Carlos City Mayor Renato Gustilo nitong February 22 ang state of health emergency “due to the increasing cases of amoebiasis”.

Hinikayat niya ang mga residente na pakuluan ang inuming tubig, panatilihing malinis ang kapaligiran at maging malinis sa katawan. RNT/SA