DOH magpatutupad ng risk-based allowance sa health workers

DOH magpatutupad ng risk-based allowance sa health workers

January 24, 2022 @ 1:27 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Mapapalitan na ang Special Risk Allowance ng healthcare workers ng mas maraming ‘inclusive’ at ‘responsive’ One COVID-19 Allowance (OCA), batay sa Department of Health (DOH).

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga makaklasipikang nasa high risk will ay mabibigyan ng P9,000 kada buwan; ang moderate risk naman ay makatatanggap ng P6,000, at ang mga nasa low risk naman ay mabibigyan ng P3,000.

“So wala po nabawas. Pinag-isa lang po natin para mas madali po at mas magkaroon ng regular na pagtanggap ang ating mga healthcare workers without having to wait because of all these validaiton,” ani Vergeire sa CNN.

Pasok naman sa high-risk category ang healthcare workers na nasa ospital, laboratoryo, at temporary treatment at monitoring facilities.

Habang dapat namang naka-duty na ng sapat na bilang ng araw ang health workers bago matanggap ang benepisyo.

Nilinaw rin ng pamunuan na hindi layunin ng OCA na magkaroon ng diskriminasyon sa health workers. RNT/FGDC