DOH may paalala sa ligtas na pagdiriwang ng Pasko, Bagong Taon

DOH may paalala sa ligtas na pagdiriwang ng Pasko, Bagong Taon

December 16, 2022 @ 7:47 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinaalalahan ng Department of Health ang publiko na kontrolin ang pag-inom ng alak at pagkain ng hindi masustansya sa mga ihahanda sa holiday season.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, dapat maging responsable sa kalusugan.

“Meron tayong laging sinasabi, ‘Minsan lang ‘to sa isang taon kaya kakain na ako nang madami, mag-iinom na ako ako nang madami at gagawin ko na lahat ng masasayang bagay.’ It is okay to be happy, it is okay to celebrate, it is okay to party. But we need to also be responsible,” saad ni Vergeire.

Paliwanag ni Vergeire, maaring makaapekto sa kalusugan ang minsan pag-inom o pagkain ng sobra-sobra sa mga handa.

Kadalasang dumarami ang mga dinadala sa ospital dahil sa komplikasyon sa puso at utak tuwing Enero o kapag tapos na ang holiday season, ayon kay Dr. Alfonso Victorino Pamaran Jr. ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital o Tala Hospital.

Ayon kay Pamaran, kadalasan sa mga nagkakasakit ay ayaw magpa-admit at hinihintay muna na matapos ang selebrasyo.

Paalala ni Pamaran, kung may sakit tulad ng diabetes, dapat umiwas sa mga matatamis at kung may problema sa atay ay dapat ding umiwas sa inom. Jocelyn Tabangcura-Domenden