DOH nag-turn over ng anti-dengue supply sa Cavite

DOH nag-turn over ng anti-dengue supply sa Cavite

August 7, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Itinurn-over ng Department of Health (DOH) Center for Health Development- CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) kahapon ang anti-dengue at iba pang vector control supplies sa Imus City Health office at ilang paaralan sa Gov. D.M. Camerino Integrated School, Imus Pilot Elementary School at Buhay na Tubig Elementary School sa Imus City, Cavite.

“Sinabay na natin sa Brigada Eskwela itong ating kampanya sa public health, para sa oras ng pagbabalik eskwela ay ligtas ang ating mga anak at maging ang mga guro, kaya namigay tayo ng mga anti-dengue supplies dahil sa tumataas ng kaso. Sa tulong po ng ating City Health office ay magsasagawa din dito ng regular na misting at clean-up operations,” binigyan-diin ni DOH Calabarzon Regional Director Ariel I. Valencia sa kanyang mensahe sa isinagawang turn-over ceremony sa Gov. D.M. Camerino Integrated School kahapon.

Nakapagbigay ang regional office ng kabuuang 250 olyset bed nets, 9 rolls ng olyset screens, 60 bottles ng insecticides para sa misting (sumipro), 160 sachets ng insecticides para sa residual spraying (bistar), 350 piraso ng ovitrap, 500 sachets ng larvicides (sumilarv), 24 bottles ng larvicides (mosquiron) at 2 units ng spray cans sa tatlong nabanggit na mga eskuwelahan.

Sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dengue sa rehiyon, ang pamahalaan ay nagsasagawa ng ilang mga hakbang upang masugpo at makontrol ang pagkalat ng mga kaso ng dengue sa mga komunidad, tulad ng sabay-sabay na Search and Destroy Operations, Misting at Residual Spraying sa rehiyon, lalo na sa mga lugar na may tumaas ang bilang ng mga kaso ng dengue.

“May close surveillance tayo na isinagawa doon sa mga hot spot areas na mataas na kaso ng dengue. The main objective of dengue disease surveillance is usually to detect and forecast epidemic activity; this includes human cases of the disease, laboratory-based surveillance, vector surveillance, and the monitoring of environmental risk factors for dengue epidemics,” sabi ni Valencia.

Base sa datos mula sa Regional Epidemiology & Surveillance Unit (RESU), may kabuuang 8, 279bkaso ng dengue sa CALABARZON mula January 1 hanggang July 30, 2022, 83% na mas mataas noong nakaraang taon na may 4, 514 kaso.

Karamihan sa mga kaso ay mula Probinsya ng Laguna na may 2, 523; sinundan ng Rizal na may 1,823; Quezon na mayb 1,377; Cavite na may 1,308; Batangas na may 1,150; at Lucena na may 98 dengue cases.

Ang Imus City ay nasa rank 4 sa nangungunang 10 Munisipyo/City na may pinakamataas na kaso ng dengue sa rehiyon; Antipolo- 823; Calamba City- 423; San Pablo City- 417; Imus-310; Ang Sta. Rosa- 283; Lipa City- 246; Cainta-238; Bacoor- 230; Candelaria- 210 at Cabuyao-193.

Samantala, muling pinanawagan ng DOH ang publiko na maiwasan ang dengue sa pamamagitan ng pagpapatupad ng 4-S strategy sa kanilang mga sambahayan, tulad ng Search and Destroy mosquito-breeding sites, Self-protection measures tulad ng pagsusuot ng long pants at long-sleeved shirts, at araw-araw na paggamit ng mosquito repellent, Seek-early consultation, at Support fogging/spraying lamang sa mga hotspot area kung saan ang pagtaas ng kaso ay nakarehistro sa loob ng dalawang magkasunod na linggo upang maiwasan ang paparating na outbreak. Jocelyn Tabangcura-Domenden