DOH NAGBABALA KONTRA PAGTAAS NG KASO NG ACUTE RESPIRATORY INSPECTION AT TIGDAS SA BANSA

DOH NAGBABALA KONTRA PAGTAAS NG KASO NG ACUTE RESPIRATORY INSPECTION AT TIGDAS SA BANSA

November 5, 2022 @ 1:10 AM 4 weeks ago


NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 340,031 kaso ng acute respiratory infection mula January 2022 hanggang June 2022 na tumama sa mga sanggol at mga batang hanggang 9 taon ang gulang. 

Pinakamarami sa age group na 1 hanggang 4 years old na umabot sa 92,350 kaso kung saan 47,129 ang mga lalaki at 45,221 ang mga babae.

Sinundan ito ng may edad 5 hanggang 9 na nasa 48,225 na 24,475 ang mga lalaki at 23,480 ang mga babae.

Tinamaan din ang mga sanggol na 29 araw hanggang 11 buwan pa lamang na mayroong 39,070 kaso kung saan 20,110 ang mga lalaki at 18,960 ang mga babae.

Nagtala ng mataas na insidente ang Central Luzon na may 134,113 kaso at sinundan ng CALABARZON, 49,487; ng Cordillera Administrative Region, 42,924; Cagayan Valley, 31,479; at Bicolandia, 24,958.

Nakikitang pangunahing dahilan dito ng DOH ang epekto ng fossil fuels katulad ng gasolina na ginagamit ng mga sasakyan.  

Nababahala din ang Kagawaran sa ulat ng pagtaas ng mga kaso ng tigdas sa bansa na mula January 1 hanggang October 8 ay nasa 467, mas mataas ito ng 203% kumpara sa kaparehas na panahon noong taong 2021 na nasa 154 lamang.

Pinakamaraming naitalang kaso sa CALABARZON na may 84, kasunod ang Central Luzon, 63; at sa National Capital Region, 53.

Lubhang tumaas ang kaso sa Central Visayas na nagtala ng 1,160% na pagtaas mula sa dating limang kaso lamang noong taong 2021 at ngayon ay nasa 63 na.

Nasa 950% ang pagtaas ng MIMAROPA, mula sa dalawang kaso ngayon ay 21 na. At ang Northern Mindanao ay 278% mula sa 9 na kaso na 34 na sa kasalukuyan.

Sa tumataas na bilang ay isa na ang nasawi habang wala naman noong taong 2021.

Sabi pa ng DOH, lahat ng 17 rehiyon ng bansa ay may naitalang mga kaso ng tigdas. Nakikitang dahilan dito ng Epidemiology Bureay ay ang lubhang mababang ummunization rate sa mga bata sa pagtama ng coronavirus disease 2019 at pagkatakot sa Dengvaxia controversy.