DOH nagbabala sa dumaraming kaso ng HFMD

DOH nagbabala sa dumaraming kaso ng HFMD

February 16, 2023 @ 6:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of Health Western Visayas Center for Health Development (DOH WV CHD) sa pagtaas ng kaso ng hand, foot at mouth disease na may 2,350 kaso mula Enero 1 hanggang Pebrero 4 kumpara sa 132 kaso sa paarehong panahon noong nakaraang taon.

Sinabi ni Airene B. Legarda, medical technologist II at DOH Regional Food and Water Borne Disease Program coordinator, na nakatuon sila sa aspeto ng hygiene at sanitation dahil ang HFMD na isang viral disease ay mabilis na kumalat.

Sinabi ni Legarda na ang pagpapatuloy ng face-to-face activities ay maaring isa sa dahilan ng nag-ambag sa pagtaas ng bilang ng mga kaso.

Batay sa datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, ang lalawigang may pinakamaraming kaso ay ang Iloilo na may 1,132; Antique na may 240; at Negros Occidental, na may 331.

Ang iba pang kaso ay mula sa Aklan na may 132, Capiz ay may 156, Guimaras na may 162, Iloilo City na may 154, at Bacolod City na may 32.

Ang vulnerable population , ayon sa datos, ay kinabibilangan ng mga batang may edad na isa hanggang limang taong gulang. Jocelyn Tabangcura-Domenden