DOH nagbabala sa mga nag-iimpok ng tubig vs dengue

DOH nagbabala sa mga nag-iimpok ng tubig vs dengue

March 17, 2019 @ 12:34 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Nagbabala si Health Secretary Francisco Duque III sa mga residente ng Metro Manila at Rizal na mag-ingat sa pag-iimbak ng tubig upang maiwasan ang posibleng outbreak ng dengue.

Ang pahayag ni Duque ay bunsod ng nararanasang water shortage sa Metro Manila at Rizal at lumalaking kaso ng dengue at pagkamatay dahil sa naturang sakit.

Ayon kay Duque nitong Biyernes, kahit na sa mga kaunting tubig gaya ng mga takip ng bote ay maaari pa ring gamitin ng mga dengue-carrying mosquito Aedes aegypti para magpadami.

“We appeal to those storing water to ensure that these are properly covered,” ani Duque.

“We have to be conscious because even a little water can already serve as breeding ground for mosquitoes.”

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Epidemiology Bureau of the Department of Health (DOH) nitong ika-2 ng Marso, mayroon nang 40,614 kaso ng dengue sa buong mundo habang 150 na ang naitalang namatay.

Ang naturang bilang mas mataas ng 68% kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon kung saan 24,231 kaso ang naitala at 118 ang namatay.

Karamihan sa kaso ay naitala sa Central Visayas (4,498), Central Luzon (4,253) at sa National Capital Region (4,231)./Remate News Team