DOH nagbabala sa mga namemeke na may comorbidities



DOH nagbabala sa mga namemeke na may comorbidities

June 11, 2021 @ 4:42 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Health (DOH)  patuloy at paiigtingin pa ang ginagawang screening sa mga vaccination sites  upang mapatunayan kung tunay bang may comorbidities o sakit ang babakunahan, base sa kanilang medical certificate o laboratory documents.

Ang pagtitiyak ng DOH ay kasabay ng babala sa mga nagpapanggap na may “commorbidities” para agad na mabakunahan laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, nakarating na sa DOH ang mga ulat na may mga taong nagsisinungaling at nagsasabing sila ay pasok sa A3 category o mga may comorbidities para agad na maturukan ng bakuna.

Pero paalala ni Vergeire, may ilang mga batas na nagpapataw ng parusa laban sa mga taong mapapatunayang namemeke ng dokumento upang mabakunahan.

Giit nito, ginagawan ng paraan ng pamahalaan upang ang lahat ng mga tao ay mababakunahan ngunit inuuna muna sa ngayon ang mga kabilang sa mga vulnerable.

Pinayuhan din nito angga hindi kasama sa priority list na maghintay muna sa takdang panahon at hindi kailangang i-peke o magsinungaling na sila ay may comorbidities. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •