DOH, nagbabala sa mga sakit na makukuha sa public swimming pools

DOH, nagbabala sa mga sakit na makukuha sa public swimming pools

April 9, 2019 @ 3:22 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Pinaalalahanan ni Department of Health (DOH) Spokesperson Eric Domingo ang publiko laban sa mga sakit na maaaring makuha sa paliligo sa public swimming pools, ngayong panahon ng tag-init.

Ilan aniya sa mga naturang karamdaman ay skin diseases at sore eyes.

Nagbabala rin si Domingo na kung papayagang maligo sa public swimming pool ang mga taong may karamdaman, gaya ng sore eyes at skin diseases, ay maaari itong makahawa, na posible ring mauwi sa epidemic o pagkalat ng sakit.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Domingo ang mga namamahala sa mga naturang pampublikong paliguan na maghigpit at huwag hayaang maglangoy pa ang mga taong makikita nilang may karamdaman.

“Ang pinakacommon na nakukuha natin sa pool, number one yong skin diseases, at saka sore eyes,” ani Domingo, sa panayam. “So, talagang warning natin sa public yong mga municipal pools, city pools, sana bantayan nila ang mga batang may sakit.  Halimbawa, makita natin may infection sa balat at lalong lalo na yong namumula ang mata bago mag-swimming, wag na nating palanguyin. Macs Borja