DOH nagbabala sa paggamit ng Ivermectin

DOH nagbabala sa paggamit ng Ivermectin

February 8, 2022 @ 6:06 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Muling nagbabala ang Department of Health (DOH) sa paggamit ng antiparasitic drug Ivermectin bilang lunas laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, rehistrado ito sa Food and Drug Administration para sa parasitic diseases.

“Ang position po natin mula’t mula pa, galing po sa ating mga eksperto, pinag-aralan pa muli ng ating Living Clinical Practice Guidelines… na sinasabi po na hindi po nakakapagbigay ng proteksyon for prevention or even the shortening or improving no doon sa progression ng sakit ang ivermectin,” ani Vergeire sa media briefing.

Samantala, sinabi ni Dr. Anna Ong-Lim ng DOH-Technical Advisory Group na ilang pasyenteng may COVID ang hindi na pwedeng bigyan ng gamot dahil sa napainom na ng Ivermectin.

“Namro-mroblema pa kami dahil hindi na namin magamit ‘yung mga gamot na pwedeng gamitin kasi sirang sira na ‘yung kanilang mga organs, particularly ‘yung liver, dahil nga nabigyan na ng ivermectin.”

 “So siguro ‘yun ‘yung isang warning, no, that I would like to leave with families na pagka ingatan din natin ‘yun paggamit ng ganitong klaseng gamot na walang basehan na mabisa o ligtas siya,” dagdag pa nito.  RNT/FGDC