DOH nagbabala sa paggamit ng type-2 diabetes drug pampapayat

DOH nagbabala sa paggamit ng type-2 diabetes drug pampapayat

March 8, 2023 @ 9:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa paggamit ng type 2 diabetes drug para sa pagbaba ng timbang.

Ginawa ng DOH ang babala matapos mag-viral sa social media ang injectable drug para sa type 2 diabetes na “semaglutide” dahil sa umanoy epekto nito na pagbaba ng timbang.

Ang nasabing injectable drug ay itinago sa mga parmasya ng mga taong gustong magpapayat na nakaapekto sa mga talagang nangangailangan nito upang makontrol ang kanilang mga sugar levels.

Ayon kay Dr. Juan Miguel Co, Philippine Association for the Study of Overweight and Obesity vice president, maraming pasyente na ang nagteyext sa kanila na nagsasabing walang mabiling semaglutide sa mga drugstorem

Ayon sa DOH, semaglutide brand ay aprubadong gamot para sa mga nasa hustong gulang na may type 2 diabetes.

Maaari nitong bawasan ang timbang sa pamamagitan ng pagbabawas ng pagkain dahil sa pagkawala ng gana at pagbabawas ng kagustuhan ng isang tao sa matatabang pagkain.

Gayuan, hinimok ng DOH ang publiko na gumamit ng gamot na prescribed ng doctor at para lamang sa layunin nito.

Pinayuhan din ng DOH ang publiko na uminom ng gamot na aprubado ng Food and Drug Administration upang maiwasan ang adverse drug reactions. Jocelyn Tabangcura-Domenden