DOH nagbabala vs in-person voting sa COVID patients

DOH nagbabala vs in-person voting sa COVID patients

September 17, 2021 @ 1:35 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Health laban sa pagpayag sa COVID-19 patient na pisikal na bumoto sa 2022 elections.

Sa online briefing, hiniling ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Commission on Elections (Comelec) na subukan ang ibang paraan tulad ng digital voting para sa  coronavirus-infected individuals.

“Hindi po natin inirerekomenda na ang COVID-positive patients ay lalabas  po ng kanilang isolation area to do these kinds of activities because these might have some form of transmission and infect other people.”

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Comelec Chairperson Sheriff Abas na magtatakda sila ng isolation area kung saan maaaring ilagay ang balota ng mga bumotong COVID patient. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •