DOH nagbabala vs maling impormasyon ng biyahero sa health declaration form

DOH nagbabala vs maling impormasyon ng biyahero sa health declaration form

December 9, 2021 @ 7:24 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of Health na mananagot umano ang walong biyahero mula South Africa kung mapatutunayang sinadya nila ang pagbibigay ng maling impormasyon sa kanilang health declaration form. 

Base sa DOH, binabalak nilang kasuhan ang walong naglagay umano ng mga maling impormasyon sa kanilang health declaration form. 

“We have a law yung RA on notifiable diseases. Meron ho diyan nakalagay na kailangan dapat tama yung impormasyon na ibinibigay especially now that there is this public health emergency. Pag nakita namin na purposely ginawa nila yan there is a liability,” paalala ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. 

Natunton na ang isa sa kanila ng DOH na naka-home quarantine na umano at negatibo sa RT-PCR test at walang anumang sintomas ng coronavirus disease (COVID-19). 

Samantala, patuloy pang pinaghahanap ang pito pang pawang mga overseas Filipinos. 

Paalala naman ni Vergeire, “Whenever you sign your health declaration forms kapag nagpipirma po tayo ng ganyan, ang assumption po nag-aatest tayo na tama yan, so pag nagbigay kayo ng maling impormasyon there is also a liability kung found na talagang sinadya mo yan.” RNT/SA