DOH nagbabala vs pekeng online post sa heart disease

DOH nagbabala vs pekeng online post sa heart disease

January 9, 2023 @ 10:13 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Binalaan ng Department of Health (DOH) nitong Linggo ang publiko sa mga gawa-gawang post na kumakalat online, sa pagkakataong ito ay nag-aadvertise ng isang tiyak na “lunas” para sa sakit sa puso.

Ayon sa DOH advisory, maling iniugnay ng nasabing post si DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire upang magkalat ng maling impormasyon.

Nilinaw ng DOH ang nasabing scenario o pahayag na ginawa ng Kagawaran at opisyal nito.

“The DOH then reminded the public that non-communicable diseases and comorbidities like heart disease and hypertension can be prevented by practicing healthy habits and a healthy lifestyle such as proper diet and exercise among others,” saad sa abiso.

Hinimok din ang publiko na kumuha ng regular o taunang check-up para matukoy at maiwasan ang iba’t ibang sakit.

Higit pa rito, muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko na tiyaking anumang uri ng impormasyong pangkalusugan ay mula lamang sa mga lehitimong platform ng DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden