DOH nagbabala vs rabies

DOH nagbabala vs rabies

September 8, 2022 @ 5:20 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa 100 percent ang fatality rate at umabot na rin sa 233 ang bilang ng mga kaso ng rabies sa buong bansa ngayong taon.

Batay ito sa pinakahuling tala ng Department of Health o DOH, noong Agosto 20, 2022.

Mula sa naturang bilang, lahat ng mga kaso ay nasawi, ayon sa DOH

Nasa edad sa pagitan ng 3 taong gulang hanggang 87 taong gulang ang mga biktima.

Pero karamihan, o 36 na mga kaso na katumbas ng 15% ng kabuuang bilang, ay edad 60 taong gulang pataas.

Dahil dito, muling nagpaalala ang DOH sa ating mga kababayan na mag-ingat laban sa rabies.

Mabuti na rin na maging responsableng “pet owners” at pabakunahan ang mga alaga kontra rabies. Jocelyn Tabangcura-Domenden