Manila, Philippines – Nagdeklara ng leptopirosis outbreak ang Department of Health (DOH) sa pitong siyudad sa Metro Manila.
Pormal itong idineklara ni Secretary Francisco Duque kung saan binanggit niya ang pitong siyudad pati ang mga barangay na kasama sa outbreak.
Kabilang dito ay ang Pasig City (Pinagbuhatan), Parañaque City (BF Homes, San Dionisio Navotas, City North Bay Blvd South), Mandaluyong City (Addition Hills), Malabon City (Concepcion), Quezon City (Bagbag Bagong, Silang, Batasan Hills, Commonwealth, Novaliches Proper, Payatas, Pinyahan, Vasra) at Taguig City (Lower Bicutan, Western Bicutan, Maharlika Village, Signal Village).
Bukod pa rito, sinabi rin ni Duque na ang majority ng 209 na kaso ng leptospirosis ay naitala sa Manila.
Ang leptospirosis ay isang bacterial infection na nakukuha sa ihi ng daga.
Karaniwan sa mga sintomas nito ay ang lagnat, pananakit ng ulo, muscle pain, hirap sa pag-ihi at pag-ubo ng dugo na maaring lumabas makalipas ang 30 na araw matapos tamaan ng nasabing bacteria. (Remate News Team)