DOH naghahanda na sa COVID vax rollout sa edad 5-11

DOH naghahanda na sa COVID vax rollout sa edad 5-11

January 25, 2022 @ 6:10 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Naghahanda na ang Department of Health (DOH) para sa rollout ng pediatric roll out vaccination.

Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na mahalagang mabigyan ng bakuna ang pediatric population dahil maari pa rin silang tamaan ng COVID-19 na maaring magresulta ng hospitalization at hospital admission.

Ayon ito sa Pediactric Infectious Disease Society of the Philippines sa kabila na “less severe” sa virus ang mga pediatric age.

Sa mga kabataan na may karamdaman o comorbidities, mas mataas ng 1.8 na bilang ang rate na sila ay tamaan ng malubhang COVID-19 na maaring mangailangan ng intensive care.

Habang 2.8 times ang kinakakitaan na maaring sanhi ng pagkamatay sa COVID-19.

Sinabi ni Vergeire na ang bakuna para sa edad 5-11 ay makakatulong upang makaiwas sila sa malubhang simtomas o pagkamatay dulot ng COVID-19.

Kaugnay nito, magsasagawa ng serye ng pagsasanay sa healthcare workers na kabilang sa vaccination ng pediatric population.

Pfizer naman ang ituturok na bakuna sa mga pediactric population dahil ito ay may emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Gayunman, iba naman ang formula ng bakuna na ibibigay sa mga 5-11 years old kumpara sa 12-17 years old.

Binigyan-diin din ni Vergeire na  para masigurong tama ang bakuna na ituturok, magkaiba aniya ang takip  sa mga botelya ng bakuna.

“Iba po ang kulay dun sa 12 to 17. Iba po ang kulay doon sa 5 to 11 years old,” dagdag pa ni Vergeire.

Paliwanag pa ng opisyal, tulad sa nakatatanda, ang mga 5-11 years old ay makakaranas din ng mild reactions  tulad ng pananakit o pamumula sa  injection side, pagkapagod  o fatigue, pananakit ng ulo na normal at karaniwang nawawala  sa loob ng 24 hanggang 48 oras.

Target naman ang bakunahan para sa pediatric age sa Pebrero 4. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)