DOH naghihintay pa sa report ng WHO vs bagong COVID variant

DOH naghihintay pa sa report ng WHO vs bagong COVID variant

November 26, 2021 @ 1:59 PM 2 days ago


Manila, Philippines – Hinihintay pa ng Department of Health (DOH) ang report mula sa World Health Organization (WHO) tungkol sa bagong coronavirus variant na natukoy sa South Africa at pinaniniwalaang mas nakahahawa.

Base kay DOH director Dr. Beverly Ho, makikipagpulong ang WHO at maaaring maglabas ng pahayag ngayon o sa Sabado.  Friday and may come up with a statement within the day or on Saturday.

“Nagpapa-meeting po yung WHO ngayong araw. Kakalabas lang ng kanilang advisory at malalaman natin later in the day or siguro tomorrow kung ano yung hatol dito,” saad ni Ho sa Unang Balita.

Natukoy sa B.1.1.529 variant ang nasa10 mutations kumpara sa dalawa sa Delta o tatlo sa Beta. RNT/FGDC