DOH naglabas ng patnubay sa mga residenteng apektado ng oil spill

DOH naglabas ng patnubay sa mga residenteng apektado ng oil spill

March 7, 2023 @ 6:39 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Naglabas ng patnubay ang Deparment of Health (DOH) makaraang makaranas ng ilang sintomas ang mga residente sa Oriental Mindoro dulot ng oil spill.

Sa media forum, sinabi ni Health OIC Maria Rosario Vergeire na dapat ma-relocate ang vulnerable groups.

Sa nangyaring insidente ng oil spill, isa ang na-admit sa ospital dahil sa ashma ngunit nadischarge din kalaunan.

Samantala, ilang residente ang iniulat na nakakaranas ng pagkahilo,pananakit ng ulo, cramps,nausea at hirap sa paghinga.

Ang pagtagas ng langis ay umabot sa probinsya ng Antique at Palawan.

Nasa 70 coastal barangays mula sa siyam na munisipalidad sa Oriental Mindoro ang apektado ng oil spill na ngayon ay isinailalim na sa state of calamity. Jocelyn Tabangcura-Domenden