DOH nagpaalala para iwas-quarantine fatigue

DOH nagpaalala para iwas-quarantine fatigue

October 17, 2020 @ 3:21 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Upang maiwasan ang “quarantine fatigue” sa panahon ng pandemya, pinayuhan ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire ang publiko na panatilihin ang pakikipag-usap sa mga kapamilya at kaibigan.

Sinabi ni Vergeire na nagdudulot ng pagkairitable, magagalitin, pagkabalisa at kawalan ng pag-asa sa mga tao dahil sa nabawasan ang kanilang pagiging produktibo.

“People feel restless, anxious, they are irritable, mayroon silang social withdrawal, loss of motivation, because of the reduced productivity,” saad ng opisyal.

Punto pa ni Vergeire, kailangan matanggap ng mga tao na kaakibat na ang virus kaya dapat sanayin na ang sarili sa transisyon ng new normal. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...