DOH nagpaalala sa publiko sa firecracker ban

DOH nagpaalala sa publiko sa firecracker ban

December 30, 2021 @ 11:03 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Nagpaalala sa publiko ang Department of Health (DOH) na iwasang gumamit ng iligal na paputok upang maiwasan ang injury.

Sa pinakabagong datos, 25 na ang naitalang sugatan mula Disyembre 21 hanggang 29.

Nasa 36 porsyento ng kaso ay galing sa Region 6 (Western Visayas), sinundan ng Region 1 (Ilocos Region), Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at National Capital Region (NCR) na may tag-12 porsyento.

Sa news release ng DOH, karamihan dito ay nasa edad 9 hanggang 16 na naputukan ng ipinagbabawal na paputok tulad ng Boga, 5-star, at Piccolo.

 “The public may also opt to participate in community fireworks displays following minimum health protocols to prevent possible super spreader events for COVID-19,” saad ng DOH.

Para naman sa mga tips na maiwasan ang fireworks-related injuries, first-aid, at iba pang Frequently Asked Questions (FAQs) sa kaligtasan at kalusugan ngayong holiday season, bumisita sa https://bit.ly/LigtasChristmas2021FAQs o sa Healthy Pilipinas website sa www.healthypilipinas.ph. RNT/FGDC