Manila, Philippines – Maging maingat at mapagbantay pa rin sakaling may mga aktibidad na bubuksan tulad ng workshops at trainings sa mga lugar na nasa ilalim na ng General Community Quarantine (GCQ).
Ito ang muling paalala ng Department of Health (DOH) kasunod ng pahayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na nagpapahintulot na ng mga kahalintulad na aktibidad sa mga lugar na nasa GCQ.
“Sakali may ganitong events na mangyayari base sa IATF resolution, lagi natin alalahanin unang-una, alam natin na andyan lang ang virus kahit pinayagan na natin ang ganyang activities, kailangang cautious at vigilant tayo kapag nagpunta sa ganyang events,” ayon kay Health Usec.Maria Rosario Vergeire.
Kailangan pa rin aniyang magsuot ng facemask, faceshield at dumistansya sa katabi gayundin dapat umanong well-ventilated ang pagdadausan ng mga pinapayagan ng ganitong activities.
Kung kaya naman umano ang virtual ay mas katanggap-tanggap at mas nirerekomenda ng DOH dahil dito maiiwasan ang pagkahawa-hawa ng mga kababayan.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)