DOH nagtalaga ng mga mamumuno sa National Dengvaxia Task Force

DOH nagtalaga ng mga mamumuno sa National Dengvaxia Task Force

July 29, 2019 @ 1:33 PM 2 years ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagtalaga si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ng pinuno ng National Dengvaxia Task Force para sa Calabarzon, Central Luzon at Metro Manila, sa katauhan ni DOH-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Eduardo C. Janairo.

Nabatid na bahagi ito ng health care provider network sa ilalim ng Universal Health Care Framework, at upang maayos na matugunan at mapangasiwaan ang mga concerns hinggil sa epekto nang paggamit ng Dengvaxia vaccine, pangunahin na ang posibleng masamang epekto nito sa mga batang nabigyan ng naturang bakuna.

“We need to harmonize efforts and provide similar services and activities, support and assistance for the three regions. Basically, Kung ano ang ginawa namin sa Calabarzon, ito ang susundin namin for the two regions. Kailangang hanapin natin lahat ng nabakunahan. Bigyan ng physical examination, bantayan at palakasin ang kanilang mga resistensya dahil ito lamang ang makapagbibigay ng proteksyon sa anumang sakit na pwedeng dumapo sa kanila,” ayon kay Janairo, na malugod na tinanggap ang kanyang appointment.

“Kailangan nating magkaroon ng vaccine and patient tracking kasama na dito ang referral system dahil kailangan natin silang i-profile at bantayan upang malaman kung anuman ang mangyari sa kanila sa loob ng limang taon mula ng sila ay mabakunahan. Lahat ay hahanapin natin at walang dapat maiiwan,” aniya pa.

Sa ilalim ng Department Personnel Order No. 2019-2458 na may petsang Hunyo 10, 2019, itinatag ng DOH ang Task Force para sa mga rehiyon ng Calabarzon, Central Luzon at Metro Manila upang tugunan ang lahat ng Tetravalent Dengue vaccination concerns.

Matatandaang taong 2016 nang ilunsad ng DOH ang Dengvaxia immunization at ipinatupad sa tatlong rehiyon, kabilang ang Region 7, ngunit malaunan ay lumikha ng panik at pangamba sa mga magulang ng mga batang nabakuhan ng Dengvaxia dahil sa posibilidad na makasama pa ang bakuna sa mga batang hindi pa dinadapuan ng sakit.

“It is equally important to recommend funding for the purpose of establishing a research agenda for this purpose to find out if there really is a correlation between the Dengvaxia vaccine and the reported deaths allegedly caused by the vaccine because as of now wala pa rin talagang makakapagsabi kung mayroon nga itong kinalaman,” ani Janairo.

Kabuuang 833,000 mag-aaral ang nabigyan ng bakuna sa buong bansa. Macs Borja


  •  
  •  
  •