DOH nakapagtala ng 1,010 bagong COVID-19 cases sa Pinas

DOH nakapagtala ng 1,010 bagong COVID-19 cases sa Pinas

November 7, 2022 @ 10:14 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Linggo ng 1,010 bagong COVID-19 cases, dahilan upang pumalo na sa 4,009,466 ang kabuuang bilang ng sakit sa bansa.

Ito ang ikalawang sunod na araw na mahigit 1,000 bagong kaso ang naitala, kasunod ng 1,229 bagong impeksyon noong Sabado.

Nitong nakaraang linggo, nakapagtala ang departamento ng hindi aabot sa 1,000 bagong kaso sa loob ng apat na magkakasunod na araw.

Batay sa datos ng DOH, bumaba sa 16,615 ang aktibong kaso sa bansa mula sa 17,123 nitong Sabado. Ito ang pinakamababang nilang ng aktibong impeksyon matapos ang halos apat na buwan.

Umakyat naman sa 3,928,577 ang bilang ng mga gumaling habang ang death toll ay tumaas din ng 34 sa 64,274.

Base sa DOH, kabilang sa mga rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ang National Capital Region na may 3,176 sinundan ng Calabarzon na may 1,968, at ng Western Visayas na may 1,333.

Inihayag din ng Health Department  na hindi bababa sa 11,557 indibidwal ang isinailalim sa test sa 315 testing labs na nagsumite ng datos nitong Sabado.

Ang bed occupancy sa bansa ay 24.5%, kung saan 6,963 beds ang okupado, habang 21,468 ang bakante. RNT/SA