DOH nakapagtala ng 119 bagong COVID cases

DOH nakapagtala ng 119 bagong COVID cases

February 17, 2023 @ 7:42 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Huwebes ng 119 bagong COVID-19 cases, habang umakyat na sa 9,120 ang bilang ng aktibong kaso.

Ayon sa pinakabagong datos ng DOH, tumaas ang COVID-19 tally ng bansa sa 4,075,073.

Naitala ang pinakamaraming bagong impeksyon sa nakalipas na dalawang linggo sa National Capital Region na may 459 kaso, sinundan ng Calabarzon na may 211, Davao Region na may 162, Western Visayas na may 95, at Central Luzon na may 75.

Sinabi ng DOH na sa kasalukuyan ay 3,999,954 na ang mga gumaling sa virus, habang ang death toll ay tumaas sa 65,999.

May kabuuang 9,470 indibidwal ang sinuri, habang 322 testing laboratories ang nagsumite ng datos hanggang nitong Miyerkules.

Ang bed occupancy sa bansa ay bumaba sa 17.3% mula 17.6%, habang 4,340 beds ang okupado at 20,813 ang bakante hanggang nitong February 15. RNT/SA