DOH nakapagtala ng 1,302 bagong kaso ng COVID-19

DOH nakapagtala ng 1,302 bagong kaso ng COVID-19

July 3, 2022 @ 1:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nag-ulat ng 1,302 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Sabado, kaya umabot na sa 3,706,951 ang nationwide tally, batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH).

Patuloy na tumataas ang active case tally ng bansa, umabot sa 9,105 nitong Sabado, mula sa 8,706 noong Biyernes.

Ito ang pinakamataas mula noong Abril 28, kung saan 9,585 na aktibong kaso ang naitala.

Sinabi ng DOH na ng top regions na may mataas na kaso sa nagdaang dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 5,243, sinundan ng Calabarzonna may 1,967, Western Visayas na may 912, Central Luzon na may 717, at Central Visayas na may 525 kaso.

Tumaas naman ang bilang ng mga nakarekober sa 3,637,268, habang ang bilang ng mga nasawi ay umakyat sa 60,578.

Ang pinakahuling datos ay nagpakita rin ng 5,343 na kama ang okupado, habang 23,812 ang bakante, dahil ang rate ng occupancy ng kama sa bansa ay nasa 18.3% noong Hulyo 1.

May kabuuang 21,273 indibidwal ang nasuri noong Biyernes, habang 316 na testing laboratories ang nagsumite ng datos. Jocelyn Tabangcura-Domenden