DOH nakapagtala ng 142 bagong COVID cases

DOH nakapagtala ng 142 bagong COVID cases

February 20, 2023 @ 7:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naiulat ng Pilipinas ang 142 bagong impeksyon ng COVID-19 on nitong Linggo, ayon sa datos na ipinalabas ng Department of Health (DOH).

Ayon sa ulat, ito ang ika-limang sunod na araw na nakapagtala ng mahigit 100 bagong kaso, dahilan para pumalo ang total caseload sa 4,075,524.

Sa kasalukuyan ay may 9,182 active cases ang bansa, na mas mababa sa 9,188 noong Sabado, na unang beses matapos ang tatlong sunod na araw ng pagtaas.

Pumalo ang recoveries sa 4,000,321 o mas mataas ng 193 kumpara sa nakalipas na araw, pinakamataas sa loob ng apat na araw.

Mayroong 13 bagong nasawi– pinakamataas sa loob ng tatlong araw matapos ang dalawang magkasunod na araw ng hindi tataas sa 10 bagong nasawi– na nagdulot ng kabuang death toll na 66,021.

Kabilang sa mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng kaso sa nakalipas na dalawang linggo ang Metro Manila na may 448, sinundan ng Calabarzon sa 202, Davao region sa 181, Western Visayas sa 97, at Central Luzon sa 70.

Batay din sa parehong datos, mayroong 8,174 samples mula sa 7,597 indibidwal na sinuri noong Sabado, kung saan 299 laboratoryo ang nagsumite ng datos. Ang cumulative positivity rate ay sumampa sa 13.6%.

Nakapagtala naman ang DOH ng bed occupancy rate na 16.9% kung saan 4,314 sa 25,474 beds ang okupado. RNT/SA