DOH nakapagtala ng 3,748 bagong COVID-19 cases sa Pinas

DOH nakapagtala ng 3,748 bagong COVID-19 cases sa Pinas

August 20, 2022 @ 11:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Biyernes ng 3,748 bagong COVID-19 cases, kung kaya umabot na sa 3,848,449 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Umabot na sa 37,225 ang aktibong kaso mula sa 36,115 nitong Huwebes.

Ang mga rehiyon na may pinkamaraming naiulat na kaso ng sakit sa nakalipas na dalawang linggo ay National Capital Region na may 14,471, sinundan ng Calabarzon na may 8,877, Central Luzon na may 4,931, Western Visayas na may 2,576, at Cagayan Valley na may 2,230. 

Gumaling naman mula sa sakit ang 2,591 pasyente, dahilan upang umabot sa 3,749,963 ang mga nakarekober.

Umabot na sa 61,261 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 40, pinakamababang bilang sa loob ng pitong araw.

Sumailalim sa test ang 22,964 indibidwal nitong Huwebes, habang hile 328 testing laboratories ang nagsumite ng datos.

Hanggang nitong Huwebes, ang nationwide bed occupancy rate ay nasa 30.6%, kung saan 8,929 ang okupado habang 20,226 beds naman ang bakante. RNT/SA