DOH nakapagtala ng 467 bagong kaso ng Omicron sub-variants

DOH nakapagtala ng 467 bagong kaso ng Omicron sub-variants

September 9, 2022 @ 6:34 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 467 karagdagang kaso ng Omicron subvariants sa bansa base sa pinakabagong sequencing result mula Setyembre 5 hanggang 7.

Batay sa datos na inilabas ng DOH nitong Biyernes, hindi bababa sa 425 kaso ng BA.5 Omicron subvariant ang nadiskubre.

Sa bilang na ito, 214 ay mula sa Western Visayas, 146 mula sa Davao Region, 21 mula sa Soccsksargen, 19 galing Calabarzon, siyam mula sa National Capital Region (NCR) pito galing Central Visayas, lima galing Central Luzon, dalawa mula sa Northern Mindanao, at tig-isa mula sa BARMM at Caraga.

Naitala rin ng Health department ang 10 bagong kaso ng BA.4, kung saan pito ang mula sa Central Visayas, dalawa mula sa Soccsksargen, at isa galing sa Northern Mindanao.

Samantala, tig-isang indibidwal naman ang nasapul ng BA.2.75 variant mula sa Davao Region.

Inilahad din ng DOH na hindi bababa sa anim na aso mula sa “other sublineages” ay natukoy din.

Dagdag pa nito, natukoy din ang 25 kaso na “no assigned lineage”.

Idinagdag ang BA.4 at BA.5 sa World Health Organization’s monitoring list noong Marso bilang variants of concern ng European Center for Disease Prevention and Control. RNT/SA