DOH nakapagtala ng 592 kritikal na kaso ng COVID

DOH nakapagtala ng 592 kritikal na kaso ng COVID

December 20, 2022 @ 7:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Health (DOH) na mayroong 592 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, ito ay naitala noong Disyembre 18, 2022.

Sa 2,501 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 509 (20.4%) ang okupado. Samantala, 4,455 (22.5%) ng 19,819 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Bakunado naman ang higit sa 73 milyong indibidwal o 94.41% ng ating target na populasyon laban sa COVID-19 habang 21 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Habang nasa 6.9 milyong senior citizens o 79.43% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Mula Disyembre 12 hanggang 18, 7,572 na bagong kaso ang naitala sa bansa.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,082, na mas mababa ng 9 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Disyembre 5 hanggang 11.

Sa mga bagong kaso, 7 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 186 na pumanaw kung saan 38 ay naganap noong Disyembre 5 hanggang Disyembre 18. Jocelyn Tabangcura-Domenden