DOH nakapagtala ng higit 2K bagong kaso ng COVID-19

DOH nakapagtala ng higit 2K bagong kaso ng COVID-19

August 3, 2022 @ 10:28 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nitong Martes, nakapagtala ang Department of Health ng 2,646 na bagong impeksyon sa COVID-19, bumaba mula sa 3,553 na kaso noong Lunes.

Bumaba naman ang aktibong kaso sa 32,099 mula sa 34,268 noong nakaraang araw, kahit na ang bilang ng buong bansa mula noong sumiklab ang pandemya sa nakalipas na dalawang taon ay tumaas sa 3,782,822.

Ang National Capital Region ng 14,821 kaso sa nakalipas na dalawang linggo, sinundan ng Calabarzon na may 9,715, Central Luzon na may 4,551, Western Visayas na may 2,642, at Central Visayas na may 2,022.

Nagkaroon ng 4,801 bagong recoveries, kaya umabot sa 3,689,974 ang kabuuang bilang. Labindalawang tao ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi, na umakyat sa 60,749.

Samantala, may kabuuang 8,334 na kama ang okupado, habang 20,438 ang bakante, dahil ang bed occupancy rate sa buong bansa ay nasa 29% noong Lunes.

May kabuuang 21,455 na indibidwal ang nasuri para sa Covid-19noong Lunes, habang 327 testing laboratories ang nagsumite ng kanilang datos. Jocelyn Tabangcura-Domenden