DOH- nakatira sa sementeryo binalaan laban sa leptospirosis

DOH- nakatira sa sementeryo binalaan laban sa leptospirosis

July 9, 2018 @ 2:19 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) ang mga residente sa sementeryo sa Maynila na mag-ingat laban sa leptospirosis.

Partikular na binalaan ng DOH ang mga nakatira sa North Cemetery at Laloma Cemetery na katabi ng ilog na umaapaw kapag bumuhos ang ulan.

Bagamat puspusan ang ginagawang paglilinis ng mga tauhan ng Department of Public Service (DPS) at MMDA sa mga Estero ng Manila at estraktura na kanilang ginigiba subalit bumabalik pa rin ang ilang mga residente.

Ginawa ng DOH ang babala kasunod ng pagdedeklara ng Leptospirosis outbreak kung saan pumalo sa 52 kaso ng Leptopirosis ang ang nasawi sa 368 naitalang kaso simula buwan ng Enero 1 hanggang Hulyo 3 2018.

Sa datos ng DOH, tumaas ang bilang ng kaso ng leptospirosis sa unang anim ba buwan ngayon 2018.

Pinayuhan naman ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga Lungsod gaya ng Navotas na mayroong 3 kaso ng Leptospirosis, Mandaluyong 3 sa isang Brgy at Malabon 3 kaso sa isang Barangay na maging alerto dahil sa sumunod na mataas na mga naitalang mayroong kasong Leptospirosis.

Nakukuha aniya ang leptospirosis sa mga binahang lugar na kontaminado ng mga ihi at dumi ng mga hayop partikular ang daga.

Ilan lamang sa mga simtomas ng naturang sakit ang paninilaw ang mata at balat at may problema sa kidney at pagdumi.

Kapag hindi naagapan ang leptospirosis ay maari itong ikamatay ng pasyente.
(Jocelyn Tabangcura-Domenden)