DOH nakikipag-usap na sa ASEAN countries para sa monkeypox vaccine

DOH nakikipag-usap na sa ASEAN countries para sa monkeypox vaccine

August 9, 2022 @ 7:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Martes na nakikipag-usap na ito sa ibang member-states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa pagbili ng mga bakuna laban sa monkeypox.

“Nakikipag-ugnayan tayo sa ASEAN member states. Pinag-usapan na po on that level ang international membership yung ASEAN procurement ng monkeypox vaccines,” ani DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing.

“We will be joining the ASEAN states if and when these plans will push through,” dagdag niya.

Inilahad din ni Vergeire na may natukoy na ang DOH at ang Food and Drug Administration (FDA) na tatlong manufacturers ng monkeypox vaccine.

“So ito po ang ating tinitignan sa ngayon kung paano tayo papasok sa ganitong procurement,” aniya.

Samantala, sinab ni DOH alternate spokesperson Undersecretary Beverly Ho na patuloy pa rin ang pakikipag-usap sa United States government upang makakuha ng mga bakuna laban sa monkeypox.

Patuloy pa ni Ho, piling grupo lamang ng populasyon ang babakunahan nito.

Nitong Hunyo, inihayag ng US health authorities na agad nilang ilalabas ang 56,000 doses ng monkeypox vaccine—mas marami nang limang beses kumpara sa karaniwang bilang—tsa mga lugar na may high transmission bilang bahagi ng major escalation ng immunization strategy ng bansa.

Inirerekomenda lamang ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang monkeypox vaccines para sa mga confirmed exposures. RNT/SA