DOH nakikipag-usap na sa WHO sa Omicron sub-variant

DOH nakikipag-usap na sa WHO sa Omicron sub-variant

January 24, 2022 @ 7:23 PM 8 months ago


Manila, Philippines — Nakikipag-usap na ang Department of Health sa World Health Organization tungkol sa sub-variant ng mas nakahahawang Omicron variant.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang BA.2 o sub-variant ng Omicron ay variant under investigation (VUI).

 “Sa ngayon, alam ninyo, ang estado ng BA.2, itong bago na namang variant ano, but andu’n sa lineage ng Omicron, BA.1, ang kanyang kategorya ay variant under investigation, hindi pa siya variant of concern,” lahad ni Duque sa Laging Handa briefing.

“So, VUI siya at ang ating [Epidemiology Bureau] ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga kinatawan ng World Health Organization. ‘Yung country office natin, binibigyan tayo ng pinakahuling datos patungkol sa mga katangian ng bagong variant na ito.”

Sa limitadong datos, mas nakahahawa ang BA.2 kaysa Omicron.

“Pero, so far, ang limitadong datos nagpapakita hindi naman ito parang naiiba talaga sa Omicron variant.”

“Kung mayroon man, sabi mas matulin daw itong makahawa, pero pagdating sa dalawang aspeto ng pagtugon, ang bakuna,” paliwanag pa nito

“’Wag tayong tutulad sa mga ibang bansa na nag-deklara ng walang ng mask mandate, pwede nang magbukas, niluwagan ang restrictions, baka sumipa ulit. Sayang naman ‘yung atin nang mga nakamit na mga tagumpay baka mabalewala ay ‘wag naman sana magiging ganu’n.” RNT/FGDC